BOC-NAIA, NAKASABAT NG P.7-M HALAGA NG MAMAHALIN AT PAMBIHIRANG URI NG KAHOY

By: Jerry S. Tan

MAY isang kilo ng Agarwood na itinuturing na mamahalin at pambihirang uri ng kahoy ang tinangkang ipuslit palabas ng bansa ngunit nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa pamumuno ni NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa.

Sa ulat ni NAIA- Customs Passengers operation chief Dr. Mark Jhon Almase, nasabat ang outbound cargo na naglalaman ng ‘rare and highly-valued agarwood ‘na itinatayang nagkakahalaga ng P750,000 mula sa isang warehouse sa Pasay City.

Ang nasabing uri ng kahoy na itinuturing na endangered ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay mahigpit na ipinagbabawal na ibenta lalo na sa ibang bansa.


Ito ay ‘in demand’ dahil ginagamit ito sa paggawa ng pabango, tradisyunal na gamit at mga luxury product.s

Ayon kay Mapa, una itong idineklarang mga ‘dried wood chips pero ng sumailalim sa physical examination ay dito na nadiskubre na mga agarwoods ang laman ng parcel.

Hindi pa pinapangalanan kung sino ang magpapadala ng kargamento at kung saang bansa ito dadalhin.

Itinurn-over na ng BOC- Enforcement Group ang kumpiskadong agarwoods sa DENR habang nagsasagawa ang Aduana ng follow-up investigation kaugnay sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Forestry Reform Code of the Philippines (PD 705) at Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147).


Tags: Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA)

You May Also Like

Most Read