Nito lang Hunyo 25 ay pinigil ng mga airport authorities, sa pangunguna ng Bureau of Customs-NAIA na pinamumunuan ni District Collector Atty. Yasmin Mapa, ang isang lalaking pasahero na papuntang Hong Kong via CX 974 sa NAIA Terminal 3 matapos madiskubre ang di deklaradong bundles ng cash sa bagahe nito, habang nagsasagawa ng standard o routine security screening procedures.
Bago niyan, lumitaw sa x-ray ang kahina-hinalang imahe ng mga pera. Nang tignan ng Customs examiner ang eTravel form ng pasahero ay walang nakita sa eTravel system na anumang deklarasyon ukol sa dala nitong pera.
Ayon kay Mark Jhon Almase, dapat ay may deklarasyon kapag nagdadala palabas ng bansa ng pera, o foreign currency nang lagpas sa $10,000 o katumbas nito, na higit naman sa P50,000.
Tinanong umano muli ng Customs examiner ang pasahero kung may idedeklara ba ito at sumagot ito na wala.
Tinanong din ito kung maaring magpakita ng ‘written authorization’ mula Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at kung nag-fill out ito ng Foreign Currency Declaration Form. Negative pa din ang sagot ng pasahero.
Bunga niyan ay inimbitahan ng Customs examiner ang pasahero sa exclusion room sa customs office sa arrival area ng NAIA–T3 para sa imbentaryo ng local at foreign currencies at physical examination ng kanyang bagahe, kung saan ineskortan siya ng Customs Examiner, Bureau of Customs- Enforcement Security Service (ESS) Joselito Custodio, Philippine National Police (PNP) Julius G. Balmadrid at Office of Transportation Security (OTS) Alvin Isidro.
Sa isang ulat sa tanggapan ni BOC-NAIA Dstrict Collector Atty. Mapa, napag-alamang sa manual inspection ay natagpuan sa loob ng bagahe nito ang cash na ?1,200,000 na Philippine pesos at $580,000 na US dollars, na pawang di niya idineklara sa Bureau of Customs-NAIA. Kinumpiska ng BOC ang mga pera para sa serial number identification at malalimang imbestigasyon.
Ibinalik sa pasahero ang pinapayagang halaga ng P50,000 at USD 10,000 habang ang nalalabing halaga ay ‘held in-bond’ dahil sa kawalan ng ‘prior written authorization from BSP and non-declaration of their Philippine and Foreign currency in e-travel/customs counter.’
Ayon kay Mark Jhon Almase, deputy collector for passenger services, ang mga nakumpiska ay itinun-over naman kay Arbe Amama ng In-bond Unit, Baggage Assistance Division.
Aniya, lahat ng proseso ay ginawa sa presensiya ng pasahero mismo at ng mga awtoridad na nag-escort sa kanya at pinangasiwaan din ito ng Flight Supervisor na si Michelle Ann Untalan.
Ani Almase, naging batayan ng BOC-NAIA ang mga sumusunod na regulasyon ukol sa pagdadala ng pera ng mga pasahero: Sec. 202 of CMTA – Functions of the Bureau; CAO 1-2017 – Customs Clearance of Accompanied and Unaccompanied Baggage of Travelers and Crew; violation of Section 117 – Regulated Importation and Exportation, and Section 1113 – Property Subject to Seizure and Forfeiture of the Customs Modernization and Tariff Act in relation to Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1146 Series of 2022 bearing the subject: Amendments to the Rules on Cross-Border Transfer of Local and Foreign Currencies.
Bunga niyan ay mahigpit ang panawagan ng BOC-NAIA sa mga pasahero na magdeklara nang tapat at maayos kapag may dalang sobrang pera at alamin ang mga regulasyon ukol dito nang hindi magka-problema sa pagbiyahe.
Congrats, BOC-NAIA sa isa na namang magandang trabaho.
***
THANK YOU, GLOBE MOA— Dalawang senior citizens ang nais magpasalamat sa mga mababait na staff ng Globe sa Cyberzone, Mall of Asia dahil sa mabilis at napakaayos nilang pag-asikaso sa problemang idinulog ng mga nabanggit na customer.
Ang papuri nila ay para kina Gean Carlo Banzuela, customer experience ambassador CXA; Samsung Ambassador Aldrun Ramon at MOA manager Grace Anne Latina.
Sana, lahat ng telecom companies ay may staff na kagaya nila, dahil dun sa iba, walang ganyan, sa totoo lang.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.














