BILANG suporta sa ‘PinasLakas’ o ‘intensified nationwide booster vaccination campaign’ na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinband Bongbong Marcos, Jr, sa pamamagitan ng DOH na naglalayon ng mas pinaigting na pagbabakuna ng pamahalaan kontra COVID-19 ay agad na inasikaso ng Bureau of Customs-Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang dumating na nasa higit 243 milyong doses ng bakuna sa bansa.
Ito’y sa pangunguna ni BOC-Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan kung saan 243,430,890 doses ng COVID-19 vaccines ang agad nilang nailabas.
Una nang na-proseso ng NAIA Terminal 3 ang nasa tatlong milyong bakuna ng Pfizer na para sa mga bata nitong Setyembre.
Sa kasalukuyang datos ng BOC, nasa walong iba’t ibang brand ng COVID-19 ang nabigyan na ng clearance na kinabibilangan ng AstraZeneca, Hayat-Vax, Johnson & Johnson, Moderna, Pfizer BioNTech, Sinopharm, Sinovac at Sputnik V.
Napag alama sa report na ipinarating kay Custon Commissioner Yogi Felimon Ruiz , nailabas at naipamahagi agad ng BOC ang mga bakuna sa pamamagitan ng advanced clearance procedures.
Habang ang CoVax Special Handling Task Force na binubuo ng mga miyembro ng security and operations unit ng BOC ang siya naman bahala sa pagbabantay ng mga bakuna.
Ang BOC-Port of NAIA sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ruiz ay nakatuon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagandahin ang proseso at inisyatiba para paigtingin ang vaccination drive ng gobyerno kontra COVID-19 na nakapaloob sa recovery plan ni PBBM. (VICTOR BALDEMOR)














