Latest News

BOC, NAGBIGAY LINAW SA ISYU NG PAL CREW NA NAHULIHAN NG SIBUYAS AT PRUTAS

NAGLABAS kahapon ng paglilinaw ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Filipino travelers na nagdadala ng mas murang gulay o prutas mula sa ibang bansa na kailangang kumuha muna ng required clearance kahit para sa personal o commercial use.

Nabatid na ang hinihinging clearance ay magmumula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Kamakailan, nahuli ang nasa 10 crew ng Philippine Airlines (PAL) at makumpiskahan sila ng aabot umano sa 27 kilos na sibuyas, mahigit 10 kilong lemon, at 1 kilo ng strawberries at blueberries na hindi deklarado at walang dokumento. Galing sila ng Dubai at Riyadh.

Ayon kay Lourdes Mangaoang, deputy collector for passenger service ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport, ang mag-iimbestiga sa insidente ay ang PAL dahil pinagbabawal ng naturang airlines ang pag-iimport.

Sinasabing dapat munang mag-apply ang mga travelers ng Plant Quarantine Clearance sa mga item na dinala para sa personal consumption at Sanitary at Phytosanitary Import Clearance para sa mga item na “for commercial use”

Alam umano ng mga flight crew na bawal magdala ng ganoong kadaming prutas dahil may training ang mga ito at kailangan nila mag-fill out ng customer’s baggage declaration form, na nakasaad na kung may dalang halaman, kailangan magsumite ng phytosanitary permit.

Ayon kay Jose Diego Roxas, OIC ng Bureau of Plant Industry information and computer section, pinapayagan ang mga prutas na aabot sa 5 kilo, kailangan lamang ng phytosanitary permit.

Ani Mangaoang, mayroong awtoridad ang BOC na mag-imbestiga at magsampa ng smuggling ukol sa mga ganitong klaseng insidente.

Aniya, nakasaad na malinaw sa Customs baggage declaration form ang mga bawal at hindi bawal.

Inilabas ng BOC-Naia ang babala matapos natagpuan ng mga inspektor ang mga produktong pang-agrikultura sa pamamagitan ng physical and x-ray examinations ng mga bagahe ng mga flight attendant.

Ang mga flight attendant ay walang mga clearance para sa mga item, na itinuturing na “regulated importations” sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read