NAGAWANG malagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa buwan ng Nobyembre at maabot ang revenue target para ngayong 2022.
Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, umabot na sa P76.770 billion ang nakolektang buwis ng ahensiya noong nakaraang buwan, na mas mataas ng P16.176 billion o 26.7 percent sa P60 billion na target.
Sa kabuuan, nasa P790.301 billion na ang kinita ng ahensiya mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon
“The Bureau also marked its highest collection performance in history and reached this year’s revenue target of P721.52 billion as early as November 11. This means the Bureau is already P68.781 billion or 9.5 percent above its annual target as of November 30,” pahayag pa ng BOC.
Ipinagmalaki ni Comm. Ruiz na lahat ng kanilang 17 Collection Districts ay nakuha ang kanilang cumulative revenue targets para sa nakalipas na 11 months.
Magugunitang ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno na tiwala siya na mapagtatakpan ng BOC’s revenue surplus ang kakulangan ng ibang national revenue-generating agencies.
Binigyan naman ng pagkilala ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang pagsisikap at dedikasyon ng mga tauhan ng Aduana na patuloy sa kanilang paglilingkod sa bayan.
Magugunitang inatasan ni President Ferdinand Marcos, Jr. si Commissioner Ruiz na i- prioritize ang pagpapalaki sa revenue collection ng Aduana, sugpuin ang smuggling at pag- streamline sa Customs processes para makamit ang mga pangangailangan ng isang digital economy. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














