BOC AT CHINA, TINIYAK ANG SUPORTA SA MGA DURIAN FARMERS

TINIYAK ng Bureau of Customs (BOC) ang buong suporta sa mga durian farmers para matulungan ang mga ito na mapaunlad pa ang kanilang sector at mapabilis ang pagluluwas nito sa ibang bansa.

Una rito ay nakipag-ugnayan ang ilang opisyal ng Customs-Port of Davao kasama si Chinese Ambassador Huang Xilian sa mga durian farmers para matulungan sila sa proseso ng pag-export ng kanilang mga produkto sa China at maging sa iba pang bansa.

Ayon sa BOC, hangad rin nila na makarating sa iba’t- ibang panig ang produktong agrikultura mula sa Pilipinas.


Ang nasabing usapin ay parte ng programa ng embahada ng China para buksan ang kanilang bansa sa pagtanggap ng mga produktong durian.

Maging si District Collector Erastus Sandino Austria ay nakipag-usap na rin sa mga miyembro ng Durian Industry Association sa Davao hinggil sa nasabing plano ng bansang China.


Base na rin ito sa paggabay ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz kung saan ang BOC-Davao sa pamumuno ni Austria ay patuloy na palalakasin at pabibilisin ang mga negosyo para mahikayat ang iba pang foreign investors particular sa export process para sa mga produkto at palakasin din ang agricultural export to China.

Napag alaman ang ang pakikipag dayalogo sa Belviz Durian Farm sa Calinan, Davao City, ay bahagi ng programa ng Chinese embassy na buksan ang kanilang bansa na merkado ng prutas na mula sa Mindanao.


“Under Commissioner Yogi Filemon Ruiz’s guidance, the BOC-Davao, led by Austria, will continue to ease business conduct to encourage foreign investors to transact with the Port. This is aligned with President Ferdinand “Bongbong” Marcos’ 8-point economic plan”, ani Austria nang makipag usap ito sa Durian Industry Association of Davao. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)

Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read