Boat maintenance, nagbigti sa cabin ng cargo ship

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 29-anyos na boat maintenance , matapos na magbigti sa loob ng cabin ng isang Cargo Ship na naka-atraka sa tabing- dagat na sakop ng Pier 18, kamakalawa ng umaga sa Vitas ,Tondo, Maynila.

Bago magpakamatay ang biktimang si Francis Sabarez, tubong Mahaplag , Leyte , stay-in sa LCT/Mazu Cargo Ship bilang boat maintenance, nagpaalam pa ito sa kanyang kasintahan na nakilala lang sa pangalang Aiza, na magpapakamatay nang mag-video call.


Ayon kay PLt.Adonis Aguilla,hepe ng Manila Police District-homicide section, alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ni Lorenzo Santillan Jr., ship oiler ng cargo ship, ang insidente, matapos puntahan ang cabin ng biktima dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa kuwarto nito.

Inabutan ng.mga nagrespondeng tauhan ng Scene of the Crime Operatives( SOCO) na nasa sahig na ang biktima.

Ginamit umano sa pagpapakamatay ng biktima ang isang nylon cord. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like