Latest News

Board of Inquiry, binuo para mag-imbestiga sa pagtakas ni Cataroja

By: Baby Cuevas

Bumuo na si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang ng Board of Inquiry para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagtakas ng person deprived of liberty (PDL) na si Michael Angelo Cataroja.

Si Cataroja ay isinuko sa Rizal Provincial Police Office ng kanyang mga magulang matapos ang isinagawang surveillance ng mga pulis sa lugar.

Ang pahayag ay ginawa ni Catapang matapos nitong pumunta sa Iwahig Penal Farm para sa proyekto ng Department of Agriculture na pagtatanim ng mga person deprived of Liberty (LDL) ng mga high value crop.


Nabatid kay Catapang na nakatakas ng New Bilibid Prison (NBP) si Cataroja nang magpanggap itong bisita sa NBP.

Nagawa pa umano ni Cataroja na makakuha ng visitor’s pass at makapagpatatak at nakapagpalit pa ng damit bago lumabas na lang sa NBP .

Aalamin ng Board of Inquiry kung papaano ito nagawa ni Cataroja.

Tiniyak din ni Catapang na papanagutin ang mga jail guard at maging ang mga opisyal ng NBP kung mapapatunayan na nagkaroon ng kapabayaan .


Maari umano silang kasuhan ng serious neglect of duty na may kaparusahan na dismissal sa serbisyo.

Tags: Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang

You May Also Like

Most Read