Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan na ipagpatuloy ang blended learning option para sa SY 2022-23.
Ang blended learning option ay kumbinasyon ng face to face class at distance learning sa panahon ng SY 2022-23.
Ayon sa DepEd Order (DO) No. 44, series of 2022, na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, maaring ipagpatuloy ng pribadong paaralan ang anuman sa limangbaraw na face to face class , blended learning modality, o full distance learning simula sa Nobyembre 2.
Gayundin, maaring isulong ng pribadong paaralan ang face to face class ng tatlong araw at 2 araw na distance learning o kaya ay apat na araw na fave to face class at 1 araw na distance learning.
Ang kasalukuyang academic year ay naglalaman ng implementasyon nang kumbinasyon ng face to face class at distance learning simula Agosto 22.
Nabatid na bago ang pagpapalabas ng
DO 44, kapwa ang pampubliko at pribadong paarwlqn ay inobliga na.magkaroon ng 5 araw na face to face class simula sa Nobyembre 2.
Samantala, sa mga pampublikong paaralan ay patuloy na isusulonh ang full implomentation ng face to fac sa Nobyembre 2.
“After the said date, no public school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning, except for those that are expressly provided an exemption by the Regional Director, those whose classes are automatically cancelled due to disaster and calamities, and those implementing Alternative Delivery Modes,” nakasaad sa DO.
Nabatid na magpapalabas ng hiwalay na memorandum ang DepEd ,kaugnay sa mga exwmption ng public schools na ipagkakaloob ni Regional Director Tolentino Aquino. (Jantzen Tan)