Mas makabubuti kung mag-blended learning muna ang mga batang estudyante na “high risk” sa halip na kaagad isabak sa face- to- face classes sa Agosto 22.
“‘Yung mga paaralan, kung maaari i-check ‘yung mga batang mas high risk o vulnerable sa COVID-19 at bigyan sila ng extra consideration… Maaari siguro silang mag-blended learning muna… Kailangan matiyak ang proper ventilation at physical distancing sa mga paaralan,’ayon kay OCTA Research group fellow Dr.Guido David.
Ayon kay David, dapat na sundan sa Pilipinas ang ginawa sa Estados Unidos sa pagbabalik ng face- to- face class.
“Dati sa CDC ng US, mayroon silang protocols sa pagbabalik ng face-to-face classes, nagtakda sila ng number of cases, positivity rate, HCUR sa ilang local para maikunsidera kung pwedeng ibalik o hindi ang face-to-face classes,”ayon kay David.
Samantala,sinabi ni David na dapat nakatali sa ating metrics/indicators ang ating vaccination coverage at kung mababa pa ang vaccination coverage o mga nagpapa-booster, baka mas mahigpit dapat ang protocols.
Kaugnay nito,sinabi ni David na may tsansa na baka magsimula nang bumaba ang positivity rate sa kabila na ang mga kaso ng COVID19 ay tumataas pa rin.
Nabatid na aabot pa sa five percent ang nakikitang growth rate sa Metro Manila subalit ang cases ay tumataas pa rin… 5% pa ang nakikitang growth rate sa Metro Manila na posibleng baka malapit na tayo sa peak ng mga kaso.














