Latest News

BJMP RECERTIFIED ISO 9001:20215

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAGMALAKI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na markadong muli ang kanilang kawanihan matapos na gawaran ng International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015 Quality Management System (QMS) re-certification kamakalawa .

Ginanap ang seremonya ng paggawad sa BJMP National Headquarters Main Conference Hall at dito ay pinarangalan ni Xavier Daniel, General Manager ng SOCOTEC Certification International, na nagkaloob ng muling sertipikasyon sa mga opisyal ng BJMP sa pangunguna ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni BJMP chief Jail Director Rivera ang kahalagahan ng panibagong milestone ng kawanihan tungo sa kanilang isinusulong na mga reporma sa mga piitan.

Tampok sa re-certification ang matatag na pangako ng BJMP, ang patuloy na pagpapabuti, epektibong pamamahala at paghahatid ng de kalidad na serbisyo sa pamamahala ng kulungan.

Binigyang-diin din ni Rivera na ang sertipikasyon ay higit pa sa isang tagumpay at ito umano ay isang testamento sa misyon ng Jail Bureau na pagsilbihan ang publiko nang may kahusayan, partikular ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan (PDL) sa ilalim ng pangangalaga nito.


Tags: Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

You May Also Like