Latest News

BJMP CONGESTED DETENTION FACILITIES, LUMUWAG

By: Victor Baldemor Ruiz

Ito ang inulat ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Ruel Rivera.

Ayon sa BJMP chief, bumaba sa 322 mula sa 365 percent ang congestion o kasikipan sa kanilang mga detention facilities sa lungsod at sa mga munisipalidad kumpara noong nakaraang taong 2023.

Sinasabing may kaugnayan ang pagbaba sa ginawang pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty (PDLs) o inmates at sariling pagsisikap ng kawanihan na pahusayin ang mga pasilidad ng kulungan, sa kabila ng limitadong pinagkukunan, ani Director Rivera.

“Malaki na pong bagay ‘yon dahil mahigit 8,000 ang lumaya doon sa nasabing datos na binigay namin at meron din po kaming 15 na naisaayos at naisagawa na piitan kaya bahagyang nagluwag ito,” dagdag pa ni Rivera.

Sa likod ng bahagyang decongestion ng mga kulungan, ang BJMP ay may kakulang pa rin umano ng mga kawani upang magampanan nang husto ang pangangasiwa at operasyon ng mga pasilidad sa ilalim ng pangangalaga nito.

Inihayag ni Director Rivera na kulang na kulang sila sa mga jail guard at “pag tiningnan ho ninyo kulang na kulang po kami, almost half po ang kakulangan. Kaya ‘pag nakikita n’yo mga escorting service namin, sa isang bus, 10, 15 lang ang nag-e-escort.”

Napag-laman na ang kasalukuyang ratio na dapat para sa bawat isang PDL ay isang team leader at dalawang tauhan na tutulong. Ang BJMP ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Tags:

You May Also Like

Most Read