Latest News

Biyaherong kulang sa bakuna, kailangan ng antigen test bago makapasok sa RP.

Inihayag ng Department of Health (DOH) na kinakailangan na magprisinta ng antigen negative result bago payagan na makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na hindi kumpletong nabakunahan at bigo na maberipika ang kanilang vaccination status.

Ayon sa DOH,ang antigen test ay dapat na kinuha 24 na oras bago ang pagdating sa Pilipinas ng mga biyahero.


Ito umano ay para sa mga indibiduwal na nasa.edad.15 pataas.

“Failure to do this may subject the passenger to undergo the said test upon arrival at the airport,” ayon sa DOH.

Alinsunod sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 2 series of 2022, lahat.ng ‘inbound travelers’ sa Pilipinas ay dapat na magpakita ng mga patunay na sila ay may kumpletong bakuna.


Kabilang dito ang World Health Organization International Certificate of Vaccination, VaxCertPH, National or state manual/digital vaccination certificate of vaccination of the country/foreign government at iba pang patunay ng vaccination.

Ang mga ‘outbound international travelers’ ay ino-obliga lamang na sumunod sa requirements ng bansa na kanilang pupuntahan.


Samantala, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang inisyu na vaccination cards ng local governments ay maaring gamitin bilang vaccination certificate. (Carl Angelo)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like