Iniutos ni Health Secretary Teodoro”Ted” Herbosa sa mga Local Government Units(LGUs) ang mabilisang pagpapamahagi sa mga bivalent COVID-19 vaccines na nakatakdang mag-expire sa Nobyembre 2023.
Nabatid na ang 390,000 bivalent shots na donasyon ng Lithuanian government ay nakatakdang mag-expire sa Nobyembre 23.
“Dapat magtuloy na iyan with the LGUs. Once it’s there, puwede na ‘yan in the center,” ani Herbosa isinagawang briefing.
‘Ang nag-i-inject kasi hindi DOH, di ba, ang nag-i-inject LGU. Saka nakita naman ninyo iyong partnership dito. So, I think you understand, kami ang magdi-distribute, nasa regional hubs and then we expect the DILG to actually implement this and help us implement inject,” dagdag pa ni Herbosa.
Target ng bivalent vaccines ang Omicron variant at ang original form ng coronavirus.
Una nang sinabi ng DOH na prayoridad sa bivalent vaccines ay ang mga senior citizen, may comorbidity at mga health workers.
Sa kabila nang nakikipag-negosasyon ang gobyerno sa marami pang bivalent COVID-19 jabs, bibili rin nito ang gobyerno para. mapataas ang supply dahil kulang na kulang ang 390,000 shots.
Gayundin, sinabi ni Herbosa na naiintindihan niya na may “snag and issues” sa pagbili nang dahil sa pagtatapos ng state of public health emergency.
Kinakailangan umano na bayaran muna ang oorderin na vaccines bago ito i-deliver.
“Maiksi kasi ang shelf life noon. Kasi kapag ang binili ko iyong nandoon na, makikita ninyo ini-isyuhan ninyo ako na nag-expire iyong bivalent vaccines, kasi six months lang ang shelf life niyan,” ayon pa kay Herbosa.