Ini-anunsiyo ng US biotech company Moderna ang positibong resulta ng kanilang bagong vaccine na “Bivalent” na epwktibo sa orihinal na COVID strain at Omicrin variants at nakikita nilang “lead candidate” para sa booster.
Nalaman na ang “bivalent” vaccine ay sinubukan na sa 814 adults at nakapagpakita ng 1.75 times ng Omicron-specific neutralizing antibodies,na may kakayahang mapigilan ang infection kumpara sa original na Moderna Spikevax vaccine.
Lahat ng.lumahok ay nabigyan ng tatlong doses ng Spikevax at kalahati sa kanila ang nabigyan ng Bivalent para sa kanilang 4th dose.
Ang antibody levels ay sinuri makalipas ang anim na buwan.
Nabatid na ang grupo na nabigyan ng bagong shot ay tumanggap ng bahagyang superior protection sa ancestral strain ng COVID, kumpara sa Spikevax.
“We are thrilled,” ayon kay Stephane Bancel, CEO ng Moderna.
Nabatid na nakahanda na sina Bancel na mag-shipping sa panawagan ng investors. (Anthony Quindoy)