Latest News

BISOR SA MINAHAN, NATABUNAN

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang bisor ng isang mining company nang matabunan ito bato at lupa nitong nakalipas na linggo sa ulat ng pulisya kahapon sa Tuba, Benguet.

Nasawi ang 41 anyos na si Danny Bunnag Dammit, mine development supervisor matapos matabunan ng “rockburst” sa minahan ng Philex Mining Corporation.


Nangyari ang aksidente bandang alas-4 ng hapon ng Biyernes.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagtatrabaho ang biktima at isa pang kasama na si Vergel Moguiyeng nang magkaroon ng rockburst.

Nagawa umanong makalabas si Moguiyeng pero inabutan si Dammit kaya natabunan ito ng mga bato


Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Philex Mines.

Nang matagpuan ang biktima ay mabilis ito naisugod sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician bunsod Cardiopulmonary arrest secondary to asphyxia bunsod ng pagkakatabon sa kanya. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Danny Bunnag Dammit

You May Also Like