Latest News

Bishop Victor Ocampo ng Diocese of Gumaca, pumanaw na

Kasalukuyang nagdadalamhati ngayon ang Simbahang Katolika ng Balanga na nagpaabot ng pakikiisa at pakikiramay sa pagpanaw ni Bishop Ocampo

Nakiisa ang Diocese of Balanga sa pagdadalamhati ng Diocese of Gumaca kasunod ng pagpanaw ni Bishop Victor Ocampo.

“It is a very sad news for us all. The loss of the Diocese of Gumaca is also our lost. He is our gift to them. We share in the grief and bereavement of the lay faithful of the Diocese of Gumaca,” pahayag ni Bishop Santos.


Ayon kay Gumaca Chancellor Fr. Tony Ryan del Moro, inatake sa puso ang Obispo at tuluyang pumanaw ganap na alas- 5:58 ng hapon, Marso 16, kasabay ng ika – 71 kaarawan ng Obispo.

Pinarangalan ni Bishop Santos ang namayapang obispo ng Gumaca dahil sa masigasig na pagmimisyon para patnubayan ang kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

“In Bishop Vic, we see and experience the goodness of God. He is truly a good Shepherd here and there. He lives his life for his people,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi pa ni Bishop Santos na nakatakdang magsagawa ng pilgrimage sa Bataan ang mananampalataya ng Gumaca sa pangunguna ni Bishop Ocampo sa March 20 bilang paghahanda sa mga Mahal na Araw.


Ipinanganak si Bishop Ocampo noong Marso 16, 1952 at naordinahang pari noong Nobyembre 5, 1977.

Hinirang siya bilang ikatlong obispo ng Diocese of Gumaca noong Hunyo 12, 2015 at ginawaran ng episcopal ordination noong August 29 sa parehong taon, sa pangunguna ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sa mahigit apat na dekadang pagiging pari at pitong taong obispo ay lubos na itinalaga ni Bishop Ocampo ang sarili sa pagpapalaganap ng misyon ni Hesus, lalo na ang pagkalinga sa mga higit nangangailangang sektor ng pamayanan. (Jaymel Manuel)


Tags:

You May Also Like

Most Read

Menu