INIHAYAG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na itinalaga ni Pope Francis nitong Linggo si Bishop Prudencio Andaya Jr. bilang bagong obispo ng Diocese of Cabanatuan sa Nueva Ecija.
Ayon sa CBCP, si Andaya, 65, na kasalukuyang Apostolic Vicariate ng Tabuk, ang magiging ikaanim na obispo ng Cabanatuan.
Papalitan niya sa puwesto si Bishop Sofronio Bancud, na ang pagbibitiw ay tinanggap na ng Santo Papa noong Disyembre 8, na kanyang ika-76 taong kaarawan.
Nabatid na Enero 2005 pa nang simulang pamunuan ni Bancud ang naturang diyosesis, na nakakasakop sa southern part ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Anang CBCP, inianunsiyo ng pagtatalaga kay Andaya sa puwesto sa ika-38 anibersaryo ng kanyang priestly ordination.
Ipinanganak sa Lubuagan, Kalinga, siya ay inordinahan noong 1986 para sa Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM).
Bago naging obispo ng Tabuk noong 2003, nagsilbi si Andaya bilang chairman ng Episcopal Commission on Indigenous Peoples ng CBCP at vice chairman naman ng CBCP- Episcopal Commission on Culture.