Bise-alkalde ng Jipapad, E. Samar, pinadalhan ng Comelec ng SC0 dahil sa ‘gender-based harassment’ at pangungutya

Ni JANTZEN ALVIN

DAHIL sa mga pahayag niya laban sa kanyang katunggali sa midterm polls na itinuturing na isang pangungutya sa publiko at ‘gender-based harassment,’ pinadalhan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order (SCO) si Jipapad, Eastern Samar Vice Mayor Noel Montallana.

Ipinadala ng Comelec ang SCO laban kay Montallana nitong Miyerkules lamang, kung saan hinihingian siya ng paliwanag kung bakit hindi siya dapat na idiskuwalipika sa May 12 elections dahil sa umano’y paglabag sa anti-discrimination guidelines ng poll body.


Sa isang campaign activity kamakailan, binitiwan umano ni Montallana ang mga katagang ito sa salitang waray na ang ibig sabihin ay, “Don’t vote for the Evardones anymore because we’re sick of them. Aside from being sick of them, this RV (Evardone) was born at only seven months. What the heck, look at his face in his tarpaulin. He was prematurely born at seven months. So he is abnormal.”

“That’s true. His mom is the same, she has no butt. Unlike my wife with a big butt,” dagdag pa umano nito.


Binigyan lamang naman ng Comelec ang alkalde ng tatlong araw upang magsumite ng paliwanag.


Tags: Commission on Elections (Comelec) commissioner George Erwin Garcia

You May Also Like

Most Read