IKATUTUWA ng mga senior citizens ng Maynila ang balitang ito.
Inihayag ni Mayor Honey Lacuna na bilang pagtalima sa kahilingan na din mismo ng mga senior citizens, cash na ang tatanggapin ng mga senior sa kanilang kaarawan bilamg regalo ng pamahalaang-lokal sa halip na cake .
Napag-alaman kay Lacuna na pinag-uusapan na nila sa kasalukuyan ni Vice Mayor Yul Servo ang pag-amyenda sa umiiral na city ordinance para masuportahan ang nasabing plano na gawing cash ang birthday cakes ng senior citizens.
Ayon kay Lacuna, na isang doktora, karaniwang may diabetes na o mataas na sugar ang mga senior citizens at dahil diyan ay ni hindi naman nila nae-enjoy ang mga cake, lalupa at may at dahil dito ay ‘di na nila mae-enjoy ang cake na ibinibigay sa kanila dahil bukod sa bawal, nag-iingat din sila dahil hindi na ‘healthy’ para sa kanila ang kumain ng matatamis dala ng kanilang edad.
Pinakinggan umano ni Lacuna ang ipinapahayag ng mga senior citizens sa mga ginaganap na ‘Ugnayan’ o pulong ng lungsod, kung saan palagian nilang hiling na gawing cash na lamang ang regalo sa halop na cake kapag kaarawan nila, nang sa gayon ay sila na ang makakapamili kung ano ang gusto nilang bilhin.
Napag-alaman din na iniimbestigahan sa ngayon ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang mga ang sumbong ng senior citizens mismo na ang mga birthday cake na ipinamimigay sa mga senior citizens noong panahon ni Isko Moreno ay pawang ‘overpriced.’
Sa isang ‘Ugnayan’ kamakailan lamang kung saan napuno ang San Andres Sports Complex, personal na tinanong ni Lacuna sa mga dumalong senior citizens kung birthday cake o cash gift ba ang gusto nila at doon ay nagkakaisang sinabi ng mga ito na cash ang gusto nila.
Ani Lacuna, sa oras na maayos na ang ordinansang magpapalit ng birthday gift sa mga seniors mula cake patungong cash ay makadaragdag ito sa mga benepisyo ng senior citizens gaya ng pag-doble sa buwanang cash allowance mula P500 hanggang P1,000 na nangyari din matapos pirmahan ng alkalde noong Oktubre ng nakaraang taon ang isang ordinansa para pagtibayin ito.
Nagpahayag ng panghihinayang si Lacuna dahil aniya, mas maaga pa sanang nabigyan ng dobladong allowance ang senior citizens kung walang iniwang P17.8 billion na utang si Isko Moreno.
Binubuno ito ng administrasyon ni Lacuna na nagbabayad ng P100 milyon kada buwan sa dalawang bangkong inutangan ni Moreno.