BIHIRA lamang ang pagkakaroon ng avian flu virus mula sa transmission ng “bird to human”.
Ang reaksiyon ay ginawa ng Department of Health (DOH) matapos ideklara ng Department of Agriculture (DA), ang avian o bird flu outbreak sa bansa noong Marso 30.
“Gayunpaman, hindi kinakailangang mag-alala ang publiko ,bilang ang chance po ng transmission ng avian flu sa mga tao ay mababa ,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malacanang press briefing nitong Biyernes.
“Ayon po sa World Health Organization, ang transmission from birds to humans at humans to humans ng avian flu ay napaka rare. Ibig sabihin, hindi po madalas nangyayari ,”dagdag ni Vergeire.
Kasabay nito, iginiit ng DOH sa publiko na sundin ang health protocols dahil makakatulong ito laban sa avian flu dahil ito ay isa ring“respiratory infection.
Inaabisuhan rin ni Vergeire ang publiko umiwas muna tayo sa paglapit sa mga wild birds, sa mga ibong may sakit, o doon sa mga taong naging close contact ng mga ibon o fowls na may sakit. (Jaymel Manuel)