Unti-unting bumabalik sa limelight si Erich Gonzales after niyang magpakasal sa husband niyang si Mateo Lorenzo noong 2022.
Kamakailan ay inaktibo na ni Erich ang kanyang social media dahil kinasal ang kapatid ng husband niya na si Basti Lorenzo sa sister ni Julia Barretto na si Claudia.
Siyempre pa naroroon ang aktres sa event.
Sa ngayon ay wala pang updated load photo si Erich, pero may lumabas na lumang photo nilang mag-asawa kung saan may hawak na baby ang aktres.
Baby pala nilang mag-asawa ang kuha sa binyagan ng sanggol noong 2023. Taong 2022 nang kinasal sina Erich at Mateo. After their wedding ay huminto sa pag-aartista ang aktres at naging pribado ang kanyang buhay.
Agad na kumalat ang larawan ni Erich at ng kanyang baby sa online platforms. Ang nag-share ng baptismal photo ng kanilang anak ni Mateo ay si Father Frankie Mabanta, ang paring nag-officiate noong kinasal ang mga magulang ni Mateo noong 1989. Siya rin ang paring nagbinyag sa mga magkakapatid na Lorenzo.
Ayon sa post: “Accompanying the family in the Christian faith through the sacraments. Today, I baptized Jose Mateo. He is the son of Mateo Lorenzo and Erich Gonzales Lorenzo.”