Binatilyo, pisak sa tren

Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang di nakikilalang binatilyo matapos na masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR), kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz,Maynila.

Inilarawan ng Manila Police District-Police Station 3, ang biktima nasa apat na talampakan ang taas, may edad 9-12 , nakasuot ng itim na t-shirt at asul na pajama.


Naganap umano ang insidente alas- 2:54 ng hapon sa railroad track sa kanto ng Antipolo at Ipil Street sa Sta. Cruz.

Nabatid kay Eleseo Paragas, 11, na naglalaro siya sa lugar nang makita niya na mabundol at masagasaan ng tren ang biktima na hindi agad nagawang makaalis ng riles kahit na paparating ang tren.

Kaugnay nito ,nasa kustodiya na ng pulisya si Arjay Barlaan, ang operator ng PNR Locomotive traine na may body number DEL 921.


Tags: Philippine National Railways (PNR)

You May Also Like