Latest News

Binatang wanted sa kasong ‘statutory rape’ sa Zamboanga del Sur, nadakip ng MPD sa Bulacan

By: Baby Cuevas

Isang binatang wanted sa kasong statutory rape sa Zamboanga del Sur ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Bulacan kahapon ng umaga.

Nasa kustodiya na ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) ng MPD ang suspek na nakilalang si Ben Lazaga, alyas Benjoe Mar Lazaga, 18, residente ng Purok 3, Dimaataling, Zamboanga del Sur, at itinuturing na most wanted person sa district level.


Batay sa ulat, si Lazaga ay inaresto ng mga pulis dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng isang fast food restaurant, sa isang kilalang mall sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Justice Felix Rodriguez, Jr. ng Ninth Judicial Region, Branch 29 ng San Miguel, Zamboanga del Sur, sa kasong statutory rape noong Oktubre 5, 2023.

Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Si Lazaga ay nakatakdang i-turn- over ng MPD sa Zamboanga del Sur police para kaharapin ang isinampang kaso laban sa kanya.


Tags: District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU)

You May Also Like

Most Read