Latest News

Binakanteng puwesto ni Remulla sa Cavite, apat ang aspirante

May apat ng aspirante ang naghain ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) para sa binakanteng posisyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Kinatawan ng 7th Legislative District ng Cavite.

Napag-alaman na ang posisyon ni Remulla ay nabakante matapos siyang hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang Kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga naghain ng COCs sa Comelec sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo (Independent), Melencio Loyola de Sagun Jr.(Independent), Crispin Diego Diaz Remulla, (Unity Party) at Michael Angelo Bautista Santos(Independent).


Ang tatlong aspirante ay magiging katunggali ng anak ni Remulla sa gaganapin na ‘special election’ sa munisipalidad ng Indang, Amadeo at Tanza sa Pebrero 25,2023.

Ayon sa Comelec, ang isasagawang halalan ay katulad ng ginawa noong May 9, 2022 elections.

Ang registration of voters sa 7th district ng Cavite ay suspendido mula Nobyembre 25,2022 hanggang Pebrero 24,2023. (Anthony Quindoy)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read