LUMOBO ang bilang ng mga Filipinong nakararanas ng gutom, ayon sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Station nitong huling quarter ng taong 2023.
Sa latest survey ng SWS, mula sa 9.8 percent noong buwan ng September 2023 ay umakyat sa 12.6 porsyento ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakaranas na malipasan ng gutom o “involuntary hunger” nitong buwan ng Disyembre 2023.
Pakahulugan ng SWS sa kanilang pag aaral, na “involuntary hunger pertains to experiencing hunger and not having access to food at least once in the past three months.”
“Compared to September 2023, hunger rose by 2.8 points from 9.8 percent,” anang SWS.
Bunsod ng nasabing bilang ay umakyat ang annual hunger rate sa Pilipinas sa 10.7 percent, na bahagyang mababa naman sa 11.7 percent average na naitala nuong 2022, subalit mas mataas naman kumpara sa pre-pandemic average na 9.3 percent nuong 2019.
Sa paliwanag ng SWS, ang latest na 12.6 percent involuntary hunger rate ay kabuuan ng 11.2 percent na “nakaranas ng moderate hunger… sila yung nakaranas na magutom ng isang beses o ilang beses sa loob ng nakalipas na tatlong buwan at 1.4 percent na dumanas naman ng severe hunger, o yung mga madalas na nakakaranas na malilipasan ng gutom.”
Lumilitaw sa pag-aaral na tumaas ang hunger rate o kagutuman sa buong bansa maliban sa Metro Manila
Ayon sa survey results, mataas ang involuntary hunger sa Balance Luzon na nasa 14.3 percent, sumunod ang Metro Manila na may 12.7 percent; Mindanao, 12 percent at Visayas na na nasa 9.3 percent ng pamilya.
Sa Mindanao din naitala ang ‘highest rise’ sa involuntary hunger. Mula sa 6.7 percent nuong September 2023 ay umakyat ito sa 12 percent, sinundan ng Balance Luzon mula 10.3 na naging 14.3 percent at Visayas mula 6.7 percent na naging 9.3 percent.
Tanging Metro Manila ang nakapagtala ng pagbaba sa bilang ng mga pamilyang nakararanas ng gutom. Mula sa 17.3 ay bumaba ito sa 12.7 percent.
“Involuntary hunger also rose among self-rated poor Filipino families from 7.7 percent in December 2023 to 20.1 from 7.7 percent, while it decreased among non-poor Filipino families from 10.4 to 5.9 percent,” ayon pa sa survey result.
“It also rose among the self-rated food-poor, from 7.0 percent to 25.5 percent and likewise, a decrease among non-food-poor from 11.0 percent to 6.5 percent,” dagdag nito.