Iniulat ng Department of Health (DOH) na malapit nang maging doble ang mga kaso ng leptospirosis sa bansa kumpara noong najkaraang taon.
Batay sa pinakahuling Disease Surveillance Report, sinabi ng DOH na nasa 1,279 kaso ng leptospirosis ang naItala mula Enero 1 hanggang Abril 29, 2023.
Ito umano ay 91% na mas mataas kumpara sa 669 kaso ng leptospirosis na naitala sa kaparehas na panahon noong 2022.
Naitala ang pinakamataas na kaso ng leptospirosis sa Western Visayas (243), Cagayan Valley (184), Davao Region (109) at Central Visayas (100).
Nakita rin sa Zamboanga Peninsula ang may pinakamataas na pagtalon ng kaso na (900 percent, nine to 90), Mimaropa (683 percent, six to 47), at Calabarzon (233 percent, 18 to 60).
Umaabot na sa 130 ang nasasawi sa leptopirosis ngayong taon kumpara sa 98 noong 2022. .
Gayunman, ang fatality rate ngayon 2023 ay mas mababa ng 10.16 % kumpara sa 14.65 % noong 2022.
Ang Davao Region ang may pinakamataas ng bilang na nasawi na nasa 22 na sundan ng Western Visayas na may 21.
Ang Leptospirosis ay sakit na nakukuha sa pitik o baha na kontaminado ng ihi ng daga.














