Pinapurihan ng Department of Health (DOH) ,ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ordinance na nagbabawal magtampisaw sa tubig-baha na nakikitang dahilan ng pagbagsak ng kaso ng leptospirosis sa 77% mula Agosto 11 hanggang 24,2024.
“As cases of Leptospirosis continue to decrease, we must remain vigilant and take proactive measures to protect ourselves and our loved ones. The Metro Manila Council’s regulation prohibiting swimming, wading, and other unnecessary activities in floodwaters is a proactive step in safeguarding public health. However, early detection, timely medical intervention, and maintaining good hygiene are equally crucial and cannot be overlooked. Let us work together to prevent the spread of this potentially fatal disease and ensure the health and safety of our communities—_tungo sa Bagong Pilipinas, kung saan Bawat Buhay Mahalaga,” ayon Kay Health Secretary Teodoro Herbosa.
Ayon sDOH, mula sa naitalang 1,726 kaso ng leptospirosis mula Hulyo 28 hanggang Agosto 10, 2024 ay,naging 396 kaso na lamang ang naitala mula Agosto 11 hanggang 24, habang nitong Agosto 25 hanggang Setyembre 7, 2024 ay bumaba pa ito sa 124 kaso.
Gayunman, maaring magbago ang bilang sa mga papasok na reports dahil sa natapos na bagyo at maulan na.panahon.
Tatlong rehiyon na lamang umano ang kinakitaan ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa nakalipas na anim na linggo.
Kabilang dito ang Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Hanggang nitong Setyembre 7, 2024 ay may kabuuang 4,575 kaso ng leptospirosis sa buong bansa ang naitala. Ang nabanggit na bilang ay mataas ng 11% kumpara sa 4,112 kaso naitala noong nakalipas na taon.
Naitala naman ang 393 bilang ng nasawi na 17% na mas mahaba kumpara sa 17% mahaba sa 475 nasawi sa kaparehas na panahon noong 2023.
Alinsunod sa MMDA Regulation No. 24-003, series of 2024, ipinagbabawal ang mag-swimming, maglaro at magtampisaw sa tubig-baha.
Pinayuhan din ng DOH ang publiko na panatilihing malinis ang katawan, gamutin ang sugat at iwasan lumusong sa baha at kundi maiwasan, dapat na magsuot ng ‘protective foot wear’.
Ang isang lumusong sa baha ay dapat umanong kaagad na magpunta sa doktor para maresetahan ng antibiotic prophylaxis.














