Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng bagong taon, batay sa Fireworks Related Injury (FWRI) Report 15.
Sa pinakahuling ulat, kapwa tinamaan rin ng ligaw na bala ang magkapatid na nasa edad 22 at 26 mula Ilocos ang isa ay tinamaan ng bala sa. kaliwang tenga habang ang nakatatandang kapatid nito ay tinamaan ng bala sa itaas na bahagi ng likod, matapos na magpaputok ng baril ang kanilang kapitbahay sa kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon.
Samantala,nadagdagan pa ng 11 bagong kaso ng FWRI kaya mayroon na ngayong 600 sa kabuuan.
Sa kabuuan, 592 ang dahil sa paputok, isa dahil sa paglunok ng watusi habang dalawa ang namatay at 53 ang kasalukuyang nasa ospital para sa paggamot.
Mahigit sa kalahati ng mga kaso ay mula sa NCR (313, 53%) at kasunod ng NCR sa bilang ng mga kaso ay ang Ilocos Region (61, 10%), CALABARZON (49, 8%) at Central Luzon (42, 7%).
Ang mga rehiyon na may pinakamababang bilang ng mga nasugatan ay ang Davao Region (2), Eastern Visayas (3) at MIMAROPA (3). Nasa 96% ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan at karamihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok.
Ang nangungunang tukoy na mga paputok na nagdudulot ng karamihan (64%) ng mga FWRI, sa pababang pagkakasunod-sunod, ay: Kwitis, 5-star*, Pla-pla*, Whistle Bomb, Luces, Boga*, at Fountain. Tandaan na para sa 89 (15%) na mga kaso, ang paputok ay hindi tukoy. Ang mga ilegal na paputok (may marka ng asterisk) ay dapat sisihin para sa apat lamang sa bawat sampung kaso (225. 38%), subalit may mga legal na paputok na nagdudulot ng mas maraming pinsala.