BIKTIMA NG SEXUAL HARRASSMENT, MARAMI PA

By: Beth Gelena

TOPIC nila Ogie Diaz sa kanilang YouTube Channel with Mama Loi at Mrens ang tungkol sa iba pa umanong harassment experience ng iba pang mga aktor

Ayon sa talent manager-vlogger, may iba pa umanong actors na
nakaranas din nang harassment pagkatapos na magsalita ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach.


Kalat na sa showbiz industry ang nangyaring “pambababoy” umano ng dalawang independent cobtractors ng GMA kung saan nireklamo na ito ng young actor.

Ang rebelasyon ni Sandro ay sinundan ng singer/theater actor na si Gerald Santos.

Na-harass din umano siya noong
15-years-old pa lang siya mula sa isa ring empleyado ng GMA.


Sa recent episode ng Showbiz Update, sinabi ni OD na naghihintay sa sagot ng kampo ng network.

Ayon naman kay Mama Loi isang dilemma sa mga kabataang nag-aartista na mabiktima ng pangha-harass at papangakuan na papasikatin.


Lalo na sa edad noon ni Gerald na pinalipas pa ang dalawang taon bago niya nireklamo ang nang-harass sa kanya.

Pero, hindi raw siya pinakinggan ng nasa higher position at ibinan pa siya sa network hanggang ngayon.


Ani Ogie, ngayon daw na lumabas na ang ganitong mga akusasyon dapat daw ay lumabas na rin ang mga nabiktima ng harassment at magsalita na rin dahil alam daw niyang marami pa silang nabibiktima.

Katunayan, may alam din daw siyang celebrity na nag-share sa kanya na biktima rin ng harassment tulad ng nangyari kay Sandro.

Pagbabahagi pa ni Ogie, may isa rin daw aktor na hindi nakapag-file ng reklamo dahil namatay na.



“Hindi niya na raw mapagtatanggol ang kanyang sarili kasi patay na siya.”

May isa pa rin daw, pero hindi na active sa showbiz.

Kung pwede nga lang daw niyang pangalanan ang mga alam niyang na-harass ay maloloka siya dahil sa dami ng nakalista.

Aniya pa, may mga involve rin na non-showbiz personality but with power.

“Pwedeng makapag-launch ng talent,” say pa niya.

Tags: Gerald Santos

You May Also Like

Most Read

Latest News