BIKTIMA NG CHRISTMAS FLOODING, HANDANG TULUNGAN NG CHINA

NAKAHANDANG tulungan ng China ang mga naging biktima ng malawakang Christmas flooding sa Visaya at Mindanao region bunsod ng malakas na mga pag ulan sa mismong araw ng Pasko na nagdulot ng mga pagbaha at landslides.

Sa isang statement, ipina-abot ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ng kanilang pakikisimpatiya sa mga biktima ng naturang flash flooding .


Kahapon umakyat na sa 32 ang bilang ng nasawi sanhi ng pagkalunod dahil sa baha at landslides, bukod pa sa may 24 na deneklarang missing.

Bukal umano sa China ang pagtulong sa Pilipinas na tinawag nitong mabuting kapitbahay, relative at partner sa mga ganitong kalamidad.

Umaasa din si Amb. Huang Xilian na makabangon ang lahat ng mga apektado nating kababayan at muling maitayo ang kanilang mga bahay na nasira dahil sa malawakang pagbaha.Maging ang mga nasirang negosyo ay agad na makakabangon.


Umabot na sa 32 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi dahil sa masamang panahon dulot ng naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Inihayag pa ng OCD na pinamumunuan ngayon ni Undersecretary Ariel Nepomuceno, na dating OCD civil defense executive officer na may 24 individuals pa ang kasalukuyang pinaghahanap.


Habang nasa 24,557 pamilya naman ang kinailangan ilikas sanhi ng shear line kung saan nagsasama ang malamig at mainit na hangin na lumilikha ng rain clouds.

Nasa P208.5 million naman ang estimated cost of damage sa agriculture sectors habang nasa P51.5 million na ang tinatayang nasirang imprastraktura bukod pa sa may 4,000 bahay na nasira. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian

You May Also Like