Latest News

BIKER, TODAS SA SUV

By: Baby Cuevas

Isang biker ang nasawi nang mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) habang nagbibisikleta sa Pasig City, Martes ng hapon.

Ang biktimang 36-anyos, residente ng San Andres, Cainta, Rizal ay kaagad na nasawi dahil sa tinamong matinding sugat sa ulo at katawan.


Samantala ay n asa kustodiya naman na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na edad 39 at 59 at kapwa taga-Brgy. Pinagbuhatan.

Ayon sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-3:20 ng hapon nang maganap ang aksidente sa eastbound lane ng Shaw Boulevard, sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Nauna rito ay lulan ng kanyang mountain bike ang biktima at binabagtas ang naturang lugar nang madaanan niya ang isang Suzuki Carry, na ilegal na nakaparada sa gilid ng Shaw Boulevard.


Kasalukuyan umano noong nagbababa ang driver ng behikulo, ng mga galon ng tubig nang bigla na lang bumukas ang tailgate ng sasakyan, sanhi upang tamaan ang biker, dahilan upang mawalan ito ng balanse at mabuwal sa sementadong kalsada.

Nagkataong papadaan sa lugar na kinabagsakan ng biktima ang SUV na minamaneho ng isa sa mga suspek. na nagresulta upang masagasaan siya at masawi.


Kapwa inaresto ng mga awtoridad ang dalawang driver na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Damage to Property.


Tags: Pasig City Police

You May Also Like