MULING magtataas ang presyo ng oil products sa isang linggo.
Ito na ang ika-10 beses na pagtaas sa taong 2022.
Tinatayang and itataas na presyo ng gasolina kada litro ay mula P5.30 hanggang P5.50 samantalang P3.60 hanggang P3.80 naman kada litro sa diesel at ang kerosene mula P4 hanggang P4.10 kada litro.
Inaasahang ang major at independent oil firms ay pormal na sasabihin sa pagtaas ng presyo sa Lunes at magiging epektibo ito sa susunod na araw, Martes.
Ayon sa energy sources, ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ang isa sa mga dahilan ng malawakang pagtaas ng prOduktong petrolyo.