ISANG siklista ang nasawi nang masagasaan Martes ng tanghali sa eastbound ng Padre Burgos mula sa northbound lane ng Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila.
Napag-alaman sa ulat ng tangapan ni Manila Disaster Risk Reduction ng Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles na naabutan nilang nakadapa ang biktima sa kalsada at wala nang buhay.
Kinilala ang biktimang si Dominico Anocop Sr y Polancos, 47, ng Barangay 649 Port Area Maynila
Papunta umano sa Road 3 sa Port Area ang siklista nang masagasaan bandang alas-12:30 ng tanghali sa kanto ng Katigbak Parkway at Roxas Boulevard.
Dinala ang driver ng truck Isuzu Aluminum High Side na may plate number: REA 25 na si Aristeo Pablo y Ramos, 36, ng 52 Doctor Ramos San Nicolas Gapan Nueva Ecija, sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) para sa kaukulang imbestigasyon at paghahain ng kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.’
Napag-alaman na kapwa kumakanan ang biktima at suspek nang masagi ng kanang bahagi ng biktima ang kaliwang likurang bahagi ng truck.
Dahilan ito para bumagsak sa kalsada ang biktima at siya ay nagulungan ng gulong sa kaliwang likurang bahagi ng truck na naging sanhi ng agaran niyang pagkasawi.














