NAGPAHAYAG ng suporta si BI Commissioner Norman Tansingco kay PBBM.

BI suportado si PBBM sa mas maunlad na turismo at ban ng POGOs

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang Bureau of Immigration (BI) sa mga ipinahayag ni President Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos, Jr. sa third State of the Nation Address noong July 22.

Sa kanyang talumpati, ay binigyang pansin ni President Marcos ang air transport at turismo na ayon sa kanya ay mas convenient na “because of the shift to paperless immigration and customs forms, thanks to the eTravel system”.


Pinuri ng pangulo ang sistema dahil nabawasan na ang mga paper-based requirements para sa mga biyahero, gamit ang sistema na katulad sa ibang maunlad na bansa. Ito ay nagsisilbi bilang single data collection platform para sa mga dumarating at umalis na mga pasahero at nakapagtatag ng integrated border control, health surveillance, at economic data analysis.

?Ito ay isang joint project ng ahensya at ng Department of Tourism (DOT), Department of Information and Communications Technology (DICT), Bureau of Quarantine (BOQ), Bureau of Customs (BOC), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of Justice (DOJ) at ng National Privacy Commission (NPC).

Sinabi ni Tansingco na kaisa ang BI sa hangarin ng national government na makapagbigay ng seamless immigration processing upang palakasin ang overall tourist experience.


Binanggit din niya na ang medium-term target ng BI ay mapalitan ang 50% ng mga manual counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing electronic gates.

Sa kasalukuyan ay may 21 e-gates na matatagpuan sa major international airports. Nakikita ni Tansingco ang pangangailangan na palawakin pa ito upang higit na mapataas ang efficiency ng kanilang serbisyo at mabawasan pagsikip sa mga airports.


May kabuuang 61 bagong e-gates ang bibilhin ng BI para sa phase 1 ng e-gate expansion project, na nakatakdang ipakalat katapusan ng taon.

Idinagdag pa niya na ang mga dayuhan sa bansa ay mas mararamdaman ang hospitality ng Pilipinas sa pamamagitan n e-services platform, na nagbibigay ng pangunahing immigration services sa pamamagitan ng secure website. Ang platform ay maa-accessed via e-services.immigration.gov.ph at dito ay makakapag-apply ang mga dayuhan ng kanilang immigration documents kahit nasa kanilang tirahan, hotels, o maging sa beach.


Samantala, ang BI Chief ay nagsabi na ang ahensya ay makikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa cancellation of permits na ibinigay sa mga online gaming companies at sa mga dayuhang kawani nito. Bilang resulta ng cancellation, ire-revoke din ng BI ang mga visas na ibinigay sa mga dayuhan.

Sinabi pa ni Tansingco na kaisa siya ng Pangulo sa pananaw nito na ang pinsalang dulot ng online gaming companies ay higit sa benepisyong makukuha dito.

Binanggit ni Tansingco na nakapag-deport na sila ng mahigit 2,300 na dayuhan na nagtatrabaho sa mga scam hubs na kunwari ay gaming companies.



Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read