BI SERVICE CARAVAN NATIONWIDE, INILUNSAD

By: Jerry S. Tan

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) ang paglulunsad ng service caravan sa buong bansa, kung saan ang inaugural leg ay sisimulan sa Zamboanga City sa Marso 6, 2024.

Ayon sa BI, ang inisyatiba ay naglalayong magbigay ng kumbinyenteng access sa mahahalagang serbisyo para sa mga foreign nationals sa ilang piling lugar sa bansa.


“We wish to bring our services closer to the people,” ani BI Commissioner Norman Tansingco. “Apart from our online services, we are also visiting key cities to facilitate immigration compliance.”

Nabatid na service caravan ay bibiyahe sa mga key regions sa buong bansa.

Mag-aalok ito ng mas mabilis na pagpuproseso ng iba’t ibang BI transactions, kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mahahalagang clearances.


Sa pamamagitan nang direktang paghahatid ng serbisyo sa mga tao, layunin ng BI na ma-streamline ang proseso at alisin na ang pangangailangan ng extensive travel.

Bilang karagdagan sa pinabilis na serbisyo, ang mga concerned citizens ay maaari rin anilang maghain ng reklamo laban sa illegal aliens sa kanilang lugar, sa pamamagitan ng caravan.


Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read