BI, NAGBABALA LABAN SA BAGONG HUMAN TRAFFICKING SCHEME

By: Jerry S. Tan

BINALAAN ni Bureau of Immigration (BI) ang publiko, partikular na ang mga kababaihan, hinggil sa nadiskubre nila na bagong human trafficking scheme na nanghihikayat ng mga kababaihan upang magtrabaho bilang sex workers sa ibang bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na isang babaeng biktima ang nasagip ng BI noong Marso 22, 2024 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 habang nagtatangkang lumabas ng bansa patungo sa Kota Kinabalu, kasama ang kanyang umano’y ‘partner,’ na isa palang human trafficker.


Diumano, nagpakilala ang lalaki at kanyang biktima bilang maglive-in partners na bibiyahe sa ibang bansa upang magbakasyon.

Kaagad itong inaresto matapos na i-check ng immigration officers ang rekord ng lalaki at nadiskubreng kabibiyahe lang nito sa Malaysia kamakailan at may kasama rin itong ibang babae na ipinakilala rin niya bilang live-in partner niya na hindi pa umano bumabalik sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.

“This seems like another case of the Bitbit scheme, in which a frequent traveler would attempt to transport a female victim who will be deceived into working as a sex worker abroad,” ani Tansingco.


Ang biktima ay kaagad na itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance, habang ang trafficker ay posibleng maharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.


Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like