Pormal nang binuksan ng Bureau of Immigration (BI) ang pinakabagong field office nito sa Pagadian City.
Nabatid na ang BI Pagadian Field Office, na pangangasiwaan ng bagong talagang Alien Control Officer (ACO) na si Sittie Nawirah Benito, ay matatagpuan sa 4th Floor East Wing ng City Commercial Center – C3 Mall, J.P. Rizal Avenue, Santiago District, Pagadian City.
Ayon sa BI, ang inauguration ceremony para sa bagong tanggapan ay pinangunahan nina BI Commissioner Norman Tansingco at Pagadian City Mayor Samuel Co.
“This significant milestone marks the BI’s commitment to bringing immigration services closer to the people of Pagadian and the surrounding communities,” ayon kay Tansingco.
Aniya pa, “This new office aims to enhance accessibility to immigration services, as well as to strengthen ties between the BI and the local government.”
Pahayag pa ni Tansingco, ang pagtatayo ng naturang bagong field office ay nagpapakita sa kanilang commitment upang higit pang paghusayin ang paghahatid ng serbisyo, gayundin ang kanilang ‘responsiveness’ sa pangangailangan ng mga mamamayan.
“By bringing our services closer to the people, we aim to provide more convenient and efficient assistance to residents and visitors alike,” ani Tansingco.