Latest News

BI COMM. TANSINGCO, MAGINOO SA GITNA NG PAG-ALIS SA PUWESTO

By: Jerry S. Tan

Bagamat sobrang biglaan ang pagkakaalis sa kanya sa puwesto, naging maginoo si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa pagtanggap sa nangyari sa kanya.

Matatandaan na si Tansingco ay inalis sa puwesto kaugnay ng pagtakas sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Naglabas ito ng official statement kung saan kanyang pinasalamatan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanya upang makapaglingkod sa Marcos administration.


“Allow me then to express my gratitude to President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. for the opportunity to serve under his administration. The past two years have been filled with optimism, challenges and determination,” saad ni Tansingco.

Nagpasalamat din siya sa Pangulo sa pagbibigay prayoridad sa Immigration Modernization Law na aniya, ay naglalayong pasiglahin ang paglago ng ekonomiya, tiyakin ang pambansang seguridad at pagyamanin ang mabuting pamamahala.

Binigyang-diin ni Tansingco ang kahalagahan ng bagong batas sa immigration bureau, dahil ang pagiging moderno ng sistema ng immigration sa bansa ay mahalaga para sa pagpapahusay ng seguridad sa border, habang isinusulong ang turismo at pamumuhunan sa Pilipinas.

Ang Immigration Modernization Law ay naglalayon umanong ma-update at ma-streamline ang mga patakaran sa immigration para makatugon ito nang maayos sa kasalukuyang pandaigdigang pamantayan at hamon ng makabagong panahon.


Ang kasalukuyan kasing ginagamit para patakbuhin ang BI ay batas na 84-anyos na at di na naaayon sa panahon ngayon.

Iniulat sa publiko ni Tansingco na tinutukan niya sa kanyang termino ang “control of the borders at the international ports of entry and exit, and prevening Filipinos from being trafficked abroad, among others.”

Bagamat si Justice Sec. Crispin Remulla ang sinasabing nagrekomendang palitan na si Tansingco, sa kabila niyan ay kinilala pa rin ni Tansingco ang suporta ng opisina ni Remulla sa kanyang paglilingkod sa BI.

“I wish to acknowledge the support of the BI Board of Commissioners, and Offices of the DOJ Secretary and DOJ Supervising Undersecretary, as we crafted and implemented those reforms,” ani Tansingco.


“To all the gallant men and women of the Bureau, I cannot thank you enough. Always bear in mind that, as public servants, you must continue to work solely for the interest of the public, over and above other interests. Be ever guided by the BI principles of Professionalism, Integrity and Patriotism,” ayon pa kay Tansingco.

“To BI’s foreign law enforcement agency-counterparts, and the INTERPOL, thank you for the trust and support, open lines of coordination and collaboration, and the information sharing partnerships which brought back fugitives from the law. To BI’s ASEAN, Australia and +3 Partners, thank you for the support and assistance that you have generously extended which resulted in enhanced partnership and cooperation on immigration concerns,” dagdag pa nito.

“Finally, I welcome the next man or woman the President may put at the helm of the Bureau even as I assure everyone that the BI is currently manned by a corps of dedicated professionals,” pahayag pa ni Tansingco sa pagtatapos ng kanyang official statement.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read