Latest News

Ang Chinese national na pinigilang makaalis ng Pilipinas.

BI: Chinese national, na nahaharap sa kasong kidnapping, napigilang umalis ng Pilipinas

By: Jerry S. Tan

Napigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang tangkang paglabas ng bansa ng isang Chinese national, na nahaharap sa kasong kidnapping at pagdetine sa kanyang kababayan sa Pampanga, may tatlong taon na ang nakakaraan.

Sa ulat na natanggap ni BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng border control and intelligence unit (BCIU) na pinamumunuan ni Dennis Alcedo ang pasahero na si Hu Zhen, 25.

Si Hu ay nasabat ng mga BI officers sa NAIA terminal 3 noong Lunes bago pa man siya makasakay sa kanyang biyahe patungong Singapore.


Iniulat ng BCIU na si Hu ay pinigilang makaalis ng bansa matapos na makumpirma ng immigration supervisors on duty na siya ay subject ng isang outstanding hold departure order (HDO) na inisyu ng Angeles City Regional Trial Court (RTC).

“He is required to his court case before he can have his name lifted from the bureau’s hold departure list, as he claimed that said case was already dismissed,” ayon kay BI-BCIU overall deputy chief Joseph Cueto.

Lumilitaw sa rekord na si Hu, at tatlong iba pang Chinese nationals, ay sinampahan ng kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention sa Angeles City RTC Branch 56 noong Marso 30, 2020.

Ayon sa mga prosecutors, noong Pebrero 28, 2020, ang apat na akusado ay nagsabwatan at isinagawa ang pagkidnap sa kapwa nila Chinese national.


Dalawang linggo umano nilang binihag ang biktima at nanghingi ng ransom na 300,000 Renminbi para sa pagpapalaya sa kaniya.

Gayunman, ang biktima ay matagumpay na nasagip ng mga tauhan PNP’s anti-kidnapping task noong Marso 15, 2020.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Tansingco ang mga tauhan ng BI dahil sa matagumpay na pagkakapigil kay Hu, mula sa pagtakas sa bansa lalo na at napakaseryoso ng kasong kinakaharap nito sa bansa.

“His attempt to flee was foiled by our officers,” ani Tansingco. “Because of his existing HDO, we cannot allow him to leave until he faces the case filed against him.”


Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read