BI CHIEF, NANAWAGAN SA MGA TAGA-BATANGAS NA ISUMBONG ANG ILLEGAL ALIENS

By: Jerry S. Tan

Hinhimok ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga residente ng Batangas at mga kalapit-lugar na kaagad isumbong sa kanilang tanggapan kung may nalalaman silang illegal aliens sa kanilang lugar.

Kasunod na rin ito nang nalalapit na pagdaraos ng ikaapat na bahagi ng service caravan ng Bureau of Immigration (BI0, sa Pontefino Hotel and Residences, Pastor Village, Gulod Labac, sa Batangas City sa Hunyo 6, mula 7:00AM hanggang 5:30PM.


“We ask the community to remain vigilant and report any suspicious activities of foreign individuals that they encounter,” panawagan pa ni Tansingco.

Nabatid na sa ilalim ng caravan, magkakaloob ang BI ng mas pinabilis na pagproseso para sa iba’t- ibang serbisyo ng BI.

Ang mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng tourist visa extension, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mahahalagang transaksyon.


Tags: Immigration Commissioner Norman Tansingco

You May Also Like

Most Read