Latest News

BF on-line, ipinaaresto sa NBI

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI), ang isang US Immigrant matapos ireklamo ng babaeng naging kasintahan niya online dahil sa pagbabanta na ipu-post sa social media ang mga “intimate videos” nila kapag tumanggi na makipagkita kapag umuwi sa Pilipinas sa Quezon City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9262 kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, Section 4 (a) of R.A. 9995 o The Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, at Grave Coerciomay kaparusahan sa ilalim ng Article 286 of the Revised Penal Code, ang lahat ay may kinalaman sa R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012,ang suspek na si Anthony Quezon,alyas “LOUIE JOHN DIAZ” sa Quezon City Prosecutors Office.

Si Quezon ay inaresto ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa isang entrapment operation sa Quezon City noong Oktubre 8.

Ayon sa biktimang si Jane,di tunay na pangalan nakilala niya ang suspek sa pamamagitan ng BIGO LIVE APP ba unang nagpakilalang si Louie John Diaz,30 mula sa Seattle,USA at binata.

Nagpatuloy ang pag-uusap at ligawqn ng susoeknat biktima sa iMessage at Facebook (FB) Messenger, at makalipas ang may galos 1 taon panliligaw ng susoek ay naging magkaauntagan sila noong Enero 25,2021.

Sa panahon nang pagiging magkasuntahan ay nagkaroon ng mga intimate video calls ang dalawa para paligayahin ang kanilang sarili

Hanggang hindin ng biktima ang kopya ng pasaporte ,licensed ID at ID ng suspek hanggang sa matuklasan ng biktima ang tunay na pangalan ng suspek at mayroon rin itong asawa at anak dahilan oara i-break ito ng biktima pero hindi pumayag.

Nitong Oktubre 8,nagreklamo sa NBI-CCD ang biktima dahil pinipilit siyang makipagkita at nagbanta nankung hindi makikipagkita ang viktima at ikakalat sa social media ang kanilang intimate videos.

Kaagad ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek na naaresto naman sa Quezon City. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read