Latest News

BENTAHAN NG POLICE UNIFORM ONLINE BABANTAYAN, KULONG NG HANGGANG 12 TAON BABALA NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police na maaaring makulong ng anim na taon hanggang 12 taon ang mga lalabag sa pagbebenta ng mga police uniform sa mga hindi naman lehitimong kasapi ng PNP.

Ito ay base sa umiiral na Article 179 ng Revised Penal Code o RA 3815 na nagbabawal alinsunod sa batas ang iligal na pagbebenta ng uniporme ng pulis.


Nabatid na nadiskubre ng PNP ang talamak na bentahan ng police uniform sa mga online shopping platform kamakailan.

Dahilan para pumasok sa kasunduan ang Philippine National Police (PNP) sa e-commerce na Lazada.

Inihayag ni PNP- Public Information Office (PIO) Chief Police BGen. Red Maranan, layon ng nasabing Memorandum of Understanding (MOU) na masawata ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga peke o nagpapanggap na alagad ng batas.


Sinasabing maluwag kasi ang bentahan ng mga police uniform online kung saan may mga report silang natatanggap na nagkalat na rin ang bentahan ng police uniform kahit sa hindi mga lehitimong pulis.

Sinab pa ni Maranan, sadyang mapanganib ito dahil pwede itong masamantala ng mga kriminal at gamitin sa paggawa nila ng krimen.


Sang-ayon sa MOU lahat ng nagtitinda ng mga uniporme ng pulis ay dapat na nakarehistro at dapat munang hinggan ng identification card ng mga nagtitinda ang kanilang mga customer para matiyak na lehitimong pulis ang kanilang katransaksyon.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like