Benchmark ng WHO sa positivity rate, nalagpasan na ng Pilipinas

Nalagpasan na ng Pilipinas ang 5% itinakdang benchmark ng World Bealth Organization(WHO) sa positivity rate.

Ayon sa Octa Research Group ,8 lugar sa bansa at sa National Capital Region(NCR) ang nakapagtala ng 5.9% positivity rate base sa datos ng OCTA nitong Hunyo 25.

Nangangahulugan umanonito na mahigit sa 5 sa 100 katao ang nasuring nagpositibo sa COVID19.


Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang Rizal (11.9%), Laguna (7.5%), South Cotabato (7.4%), Cavite (6%), Pampanga (5.9%), Cagayan (5.8%), Iloilo (5.7%), at Batangas (5.6%) ay nagkaroon ng malaking pagtataas sa kanilangbpositivity rate.

Naniniwala ang OCTA na tataas pa at magkakaroon ng “weak surge” simula sa kalagitnaan ng Hulyo.

“We are averaging 663 cases per day in the whole country. This could reach 1,000 by next week. We are expecting it to go up further, maybe it will reach its peak by first or second week of July then hopefully we start to see a decrease in cases,” ayon kay David . “It’s going to be a weak surge.”

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na maaring tumaas sa 1,500-2,000 sa huling linggo ng Hulyo pero hindi pa nakikita na may basehan ang paglagay sa Alert level 2 kahit pa ang limang siyudad ay munisipalidad ay nasa ilalim ng moderate risk classification. (Phliip Reyes)


Tags: World Bealth Organization(WHO)

You May Also Like

Most Read