Latest News

BELA PADILLA NAINGGIT SA SWEETNESS NINA ANGGE, KIM

By: Beth Gelena

HINDI nakasama si Bela Padilla sa birthday celebration ng kaibigang si Angelica Panganiban with Kim Chiu dahil nasa London pa rin siya.

Last November 4 ang 37th birthday ni Angge, kung saan nagselebreyt sila with families and friends.

Sa mga pinost na photia ng aktres ay namaalam na siya bilang Ms. Panganiban.

Aniya: “Nagpapasalamat  ako sa mga kaibigang dumating sa aking birthday. Ito na ang last celebration ko bilang Ms. Panganiban.”

And then separate celebration naman sila ni Kim na dapat ay kasama si Bela.

Sila ang mag-bestfriends na may acronym na “AngBeKi.”

Nag-post ng heartfelt birthday message si Bela  sa kaibigan: “Dahil nasolo ka ni @chinitaprincess today, at nakaramdam ako ng matinding FOMO [fear of missing out], inedit out ko na muna siya.”

“I miss you momsyyyy specially on your special day dahil alam kong masayang masaya kaaaa! In life, everyone needs an Angelica – kind, thoughtful (nung first time ko nagkacovid nagiiwan to ng regalo sa pinto ko), strong, wise and always ready to pick up when you need sound advice.”

“Sana nagenjoy kayo nila Kimmyyyy.”

Nag-iwan naman ng sweet reply si Angge: “What a tribute hahahaha. Love you momsy forever!!”

“Love you momsyyyy!” reply naman ng actress-director.

Tags:

You May Also Like

Most Read