Bebot, pinasabog ang bungo

Patay ang isang 39- anyos na babae matapos barilin sa ulo ng nag-iisang gunman kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Mariafe Villafranca, residente ng Aroma, Building 14,Tondo,Maynila.dahil sa.tama ng bala sa ulo.


Inilarawan naman ng mga testigo ang gunman na nakasuot ng cap,puting t-shirt,itim na pantalon at may taas 5’7″ na tumakas papuntang Aroma Building 3.

Sa imbestigasyon ni John Kevin Zuniga ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente sa may Helping Building 7,Tondo,alas -1 ng gabi.

Bukod sa tama ng bala,nakita rin na may hiwa sa dibdib ang biktima.


Ayon sa ilang residente,nakarinig sila ng dalawang putok at nang tingnan ang pinanggalingan, nakita nila ang biktima na nakabulagta,habang hawak naman ng suspek ang baril na ginamit.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Latest News