Latest News

Bebot, initak ng selosong ka-live in

By: Baby Cuevas

Dala ng selos, initak ng isang 23-anyos na lalaki ang kanyang 46-anyos na kalive-in hanggang muntik nang humiwalay ang kaliwang kamay ng biktima, matapos salagin ang itak na itinaga sa kanya ng karelasyon, nang magselos ito sa isang customer sa kanilang canteen, kahapon ng madaling araw sa loob ng North Harbour,Tondo,Maynila.

Arestado ang suspek na si Jairos Gonzales, 23, truck driver, ng North Harbour, Brgy. 128, Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 2 at sa reklamo ni Emily Oco Y Gripo, 46, canteen vendor at residente ng North Harbour, Brgy. 128, Tondo, Manila,naganap ang insidente alas- 3:30 ng madaling araw matapos dumating ang suspek sa North Harbour sa tabi ng Tifela at Cruisemate Trucking sa Brgy 128.


Ayon sa biktima, narinig niya na sumisigaw ang suspek ng, “kakatayin kita, bumaba ka! Bumaba ka rito!”.

Inakala umano ng biktima na nagbibiro lang ang suspek kaya siya bumaba.

” Bigla po niya akong inambahan ng itak, sinalag ko po, kaya tinamaan ang kaliwang kamay ko na muntik nang maghiwalay sa pagkakataga. Sasaksakin pa po sana ako pero umiiyak akong nakiusap sa kanya at nagmamakaawa”, dagdag ng biktima.

Napag-alaman na nagselos umano ang suspek sa isang customer na kanyang pinagsilbihan.


Isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital habang boluntaryo namang sumuko ang suspek na naka-duty na security officer na si Dantes Montesng North Harbour.

Sinampahan naman ng kasong physical injury in relation to RA 9262 ang suspek sa Manila Prosecutors Office.

Tags: Manila Police District -Station 2

You May Also Like

Most Read