Latest News

Bebot, arestado sa investment scam

By: Carl Angelo

Nasakote ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang babaeng sangkot sa multi-milyon investment scam sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Quezon City.

Sinampahan ng kasong Estafa sa Article 315, paragraph 2(a) of the Revised Penal Code (RPC) in relation to Section 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Law), at paglabag sa Section 8.1 of R.A. 8799 (The Securities Regulation Code of the Philippines) ang suspek na si Evelyn Hernandez sa Quezon City Prosecutors Office.

Nabatid sa nagreklamo sa NBI na nagpapakilala umano ang suspek na sangkot sa konstruksiyon sa isang bahagi ng Bulacan International Airport Project at umaaktong sub-contractor/investor ng isa sa principal contractors ng BM Logistics Inc. (BMLI), na partner ng San Miguel Corporation.


Gayunman,matapos ang beripikasyon, nag-isyu ng certificate ang Securities and Exchange Commission (SEC) na nagsasabing ang BMLI ay hindi isang rehistradong korporasyon.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay nagtungo ang complainant sa NBI at sinabi na pumayag siyang makipagkita sa suspek para ibigay ang halagang P50,000 para sa dalawang investment slots.

Nabatid na ang investment per slot ay nagkakahalaga ng P3,500,000 at magiging P50,000,000 sa loob ng limang taon.

Nitong Setyembre 15 ay nakipagkita ang suspek kasama ang mga ahente ng NBI na pumosisyon di kalayuan sa suspek.


Nang iabot ang marked money ay saka dinakma ng.mga ahente ng NBI ang suspek.

Tags: National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD)

You May Also Like

Most Read