PAREHONG may kissing scene sina Carla Abellana at Beauty Gonzales kay Gabby Concepcion sa afternoon serye nila sa GMA-7 na “Stolen Life” at take note, hindi lang smack kiss, talagang halik.
Kung sa teaser ay sandali lang ang kissing scene ni Gabby sa dalawa, sigurado na mas mahaba ang eksena na ‘yun kapag airing na ang series.
Tinanong si Gabby sa kissing sa dalawang leading lady niya at sagot ng actor: “ HIndi ako magkukuwento,mahirap sagutin.”
Nasabi ni Gabby na friend niya ang ama ni Carla na si Rey “PJ” Avellana, tapos eto sa series na ginagawa ay kahalikan niya ang anak ng kaibigan.
Kinumpara naman ni Carla ang kissing scene niya kay GAbby sa dalawang character na kanyang ginagampanan.
“Si Farrah ay liberated at palengkera at si Lucy ay very pleasant. Ang kissing scene nina Darius (Gabby) at Lucy ay halik ng husband and wife.”
Pero ang pilyang sagot naman ni Beauty: “I enjoy everything. Gabby is such a gentleman. I feel I was taken care of. Two takes ‘yun and I enjoy the scene.”
Sabi naman ni Gabby, naaliw siyang panoorin sina
Carla at Beauty.
“Curious ako kung paano ang gagawin nila at kung paano nila ipo-portray ang mga character nila. Mahirap yun, they are portraying two different characters, samantalang ako, easy-easy lang.”
Sa serye ay ginagampanan nina Carla at Beauty
ang role na magpinsan at pareho silang may kaalaman sa astral travel kung kaya magpapalit sila ng katauhan.
Kung sina Gabby at Carla ay isang tao lang ang gusto nilang maging makapalitan sa buhay. Si Beauty at tatlong katauhan ang gusto niyang makapalitan sa buhay.
“For me I will have 3, para hindi boring. Exciting.
“At first, I wanna be Ate Vi (Vilma Santos) ‘coz I really admire her career, her showbiz career and then, paano niya na-translate into political ‘yung pagiging showbiz niya. It’s admirable. Her family also, her kids are wonderful,” say ni Beauty.
Ang second personality naman na gusto ko niyang maging ay ang namayapa nang Mexican painter na si Frida Kahlo dahil gustung-gusto daw niya ang mga painting nito.
“And lastly, I wanna be Madonna. Because she’s a chameleon, she’s an innovator, she walks the talk,” aniya.
Si Katie Perry naman ang gustong makapalitan ni Carla sa buhay dahil super fan daw siya ng sikat na singer.