NAGLABAS na ng pahayag ang ex- couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa kanilang break up.
Ayon sa dalawa, mutual decision nila ang kanilang paghihiwalay.
Aminado ang ex-engaged couple na hindi madali para sa kanila ang magbigay ng official statement.
Nabanggit din nila na may ilang tao na kasi ang nagkumpirma ng kanilang breakup na hindi humingi ng pahintulot sa kanila.
Matatandaang matapos si Ogie Diaz, sumegunda naman si Boy Abunda sa pagsasabing hiwalay ba talaga sina Bea at Dominic.
Matapos ang ilang araw ng kabi-kabilang espekulasyon tungkol sa kanilang engagement, naglabas na ng pahayag sina Bea at Dom.
Sa post ng aktres kung saan kasama na rin umano si Dominic, sila na mismo ang nagkumpirma ng pagtatapos ng kanilang engagement.
“After much thought consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision. We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.
“Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,” ayon sa post kanilang post sa social media.
Hiling ng ex-couple, irespeto ang kanilang privacy at feelings na sa panahong ito, ayon sa kanila ay “extremely painful.”














